Explanation:
Sa simula, mga sundalong Amerikano muna ang nagsilbing unang guro na kalaunan ay napalitan ng mga gurong galing sa America. Ang pinakamalaking pangkat ng mga guro ay dumating sa Pilipinas noong 1901 lulan ng barkong Thomas. Itinalaga sa Maynila at mga lalawigan ang mga gurong ito na binansagang Thomasites.